Struggle of the Cube by Francisco “Bobit” Segismundo (2013)
Pinas-Lang
Noon, ang bansag nila sa aki’y Pilipinas. Binubuo ng mga mga pusong patuloy na nag-aalab, Tibay ng loob ay walang sinumang makatutumbas, Handang ialay ang buhay upang sa hawla ng kalabaβy makaalpas.
Pinaglaban ang natatanging Lupang Sinilangan, Nakamit ang tagumpay ng kasarinlan at kalayaan, Nagbunga ang ilang taong pakikipaglaban, Napaalis ang mga dayuhan, naging atin ang ating bayan.
Sa paglipas ng panahon, matapos ang ilang mga dekada, Ako ngayon ay nakilala bilang “Pinas”. Sinamantala ng iba ang pagiging malaya, Binulag ang ilan sa kanilang mga pandaraya.
Hindi ka bingi upang hindi maringgan, Libre nang pumuslit ng salapi mula sa kaban ng bayan, Maari nang umapak ng iba gamit ang kapangyarihan, At ayos lang pumatay at pumutol ng pangarap ng ilan.
Kaya ngayon akoβy ‘Pinas na lang. Nilapastangan. Pinaslang. Oo! Ako’y pinaslang! Walang kalaban-laban, walang sanggalang, Pula na ang nangibabaw sa dating matingkad na bughaw, Puti ay naging itim, lumubog na ang araw.
Literal na nabulag na ang may hawak ng timbangan, Hustisyaβy maaari nang mabayaran lalo ng mga mayayaman, Malas mo na lamang kung ikaβy lugmok sa kahirapan, Dahil rehas at libingan na lamang ang iyong pagpipilian.
Sa buhay kong ito’y tila normal na lamang kung malasin, Kapag maalat sa diskarte, sa tanghali ang ulam ay tuyo at daing, Kapeng aking almusal, madalas pang isabaw sa kanin, Sa hapuna’y iisipin na lang na ako’y busog baka bukas ako’y papalarin.
Kakaputok pa lang ang araw, trapik na naman sa EDSA Mahabang pila ng mga mukhang may kani-kanyang problema, Kelan pa nga ba darating ang kamay na sa ami’y mag-aahon? Kung kakamayan lang kami at bibitawan pagkatapos ng eleksyon?
Sa galit, itong puso ko’y unti–unting namanhid, Mga hinaning ng damdaming isinisigaw nang palihim, Ngunit aking batid, na sa pagdaan ng panahon Ang mga galos ko at sugat ay unti-unti ring maghihilom.
Sa kabila ng madilim na kabanata ng kasaysayan, Ay akin ngang napagtanto at natutunan, Na wala ito sa baba ng pagkadapa, kundi nasa taas ng pag-ahon, Dahil pinagpala ang bayang ang Dios ay ang Panginoon.
Rumaragasa ang bugso ng aking nadarama,
Sa paglikha ng mga katagang gamit ang simili at metapora,
Narito ang aking tulang isasambitla,
Para ito sa mga taong lumalaban sa sistemang mapanglamon,
Sa mga patuloy na lumalaban sa mga dagok at hamon,
Paano nga ba sa toxic na buhay kami’y makakaahon?
Eksklusibo, eksplosibo, mga pangyayaring nagbabaga’t umaatikabo,
Sa lipuna’y umalingawngaw na parang wangwang,
Mga walang makain, walang maihain sa hapag kundi pagpag,
Bunga ng mga nakaupong bituka’y halang at walang habag.
Isyung karumal-dumal gawa ng Ampatuan, Tokhang na ang mga tumutumba daw ay nanlaban,
Mga batang inosente na biktima ng dengvaxia,
Mga pamilyang naulila’y sinisigaw ang salitang hustisya.
Jinbei na jinbei akes sa mga problema ditempang sa sangkatauhan,
Kayraming nawawalan ng trabaho,
Dahilan nito ay kanilang pagka-endo,
At pagkawalay sa pamilya’y isasakripisyo.
Eto at pipiliing maging OFW,
Magpapaka-alila sa lugar na kung saan sila ang dayo,
Magtitiis kahit paulit-ulit na minamaltrato,
Para may maiuwing salapi at tsokolate pagbalik sa kanilang barrio
Ratsada dito ratsada doon,
Sa bawat pagdapa’y laging may pag-ahon, Imba nga minsan ang ating peg
Patuloy na humihinga kahit sinasakal na tayo ng kahirapan sa leeg.
Ibahin nyo ang taga-Filipinas
Iba ang ating tibay at tatag,
Sa kabila ng problema’y makukuha pang magselfie na may hashtag.
Gagawin ang lahat maging trending o tanyag.
Eksena man natin sa buhay ay iba-iba,
Isipan pa rin natin ay iisa,
Sa pamamagitan ng pagbibiro at pagtawa
Nakukuha nating malampasan ang mga problema.
Tibay at tatag oo ito sa atin ay nakatatak,
Sa pamamagitan ng mga meme o
sa mga uso at viral,
Dito tayo napapahalakhak at sa kabila ng suliranin,
Kasiyahan pa rin ang sa atin ay umiiral.
Tampok sa aking tula,
Mga salita na laman ng balita,
Sa mga isyu at problema ay binuksan ang ating mga mata,
At dito tayo minulat kung paano piliin ang mga mali sa tama.
Eskapo sa realidad,
Lawak ng imahinasyon ang abilidad,
Wika at salita ang armas at arsenal,
Ito ang paraan ng paglaban naming mga Milenyal.
-1003-1119
Ito ay isang proyekto na pinapagawa sa amin sa isang asignaturang Dalumat sa Filipino sa New Era University na kung saan ay gagawa kami ng tula na ang bawat berso ng aming tula ay magsisimula sa bawat letra ng aming pangalan (on bold letter). At ipapasok namin sa aming tula ang mga napiling kalahok o nanalo sa Sawikaan ng Taon (at mga Word of the Year sa US) na Inilulunsad ng UP at FIT (italicized).
Isang tula para sa dalagang may katangkaran Na ang lakad tila animo’y maghahamon ng suntukan, Mala-siopao ang mukha niya sa kaniyang katabaan, Boses lalaki kung tumawa at magsalita kung iyong pakikinggan, Ngunit kapag siya’y iyo nang tinitigan, Di mo maitatanggi ang angkin nyang kagandahan. Gusto mo siyang makilala? Jan Marielle Centeno Martinez ang kaniyang pangalan.
Lalo kang mapapahanga sa angkin nyang talento, Marami siyang kayang tugtuging instrumento. Ngunit ang aking pinakagusto ay ng pagtugtog nya ng organ sa koro. Hindi ko pa man nakikita ngunit ako’y humahangang lubos, Dahil kaniyang naiaalay ang kanyang talento sa Panginoong Dios.
Elsa, Moana, at Adarna, Hindi ko alam kung bakit ito ang naging pamagat ng tula.
Galing sila sa mga sikat na istorya, Sa lamig ng boses ni Elsa, Sa kaygandang himig ni Moana na umaawit sa ilalim ng araw at mga tala, At sa himig ng Ibong Adarnang humahalina. Kapag iyon ay iyong pinagsama-sama, Boses ng pag-awit ni Jan ang malilikha. Sana ika’y maniwala dahil wala itong halong eclavu at chorva.
Hiling ko sa iyong kaarawan, Sa mga tagumpay, kasiyahan, at kalungkutan, Ang Dios ay huwag kakalimutang tawagan, Dahil walang imposible sa kanyang kapangyarihan. Magulang ay mahalin mo at wag sasaktan, Dahil sa mapaglarong buhay na pagod ang iyong mararamdaman, Nariyan parati sila para sa iyong kanlungan. At ikinalulungkot kong di hamak, Na tayo’y di makakapagpatumba ng mga bote ng alak, Ngunit narito kaming mga kaibigan mong kasama mo sa mga paglamon at paghalakhak.
7-28-19
Happy HBD Jan! We wish you all the best. Wag ka na sana masaktan pa hahahaha. Nandito kami lagi para sa’yo. We wish to hear more songs from you. Mahal ka ng Unli Fam!
Wala nang intro intro! Nicole, happy birthday saβyo! Salamat sa pag-imbita dito sa isang okasyong magarbo, Na puno ng kandila, rosas, at mga regalo.
Kasama ang pamilya, mga kaibigan, at mga espesyal na taong bahagi ng iyong buhay, Kami ay masayang-masaya, dahil hinog na ang mangga At sa wakas ay legal na ang kutsilyong lagi niyang dala-dala.
Sa tulang itong ang pamagat at simula’y hirap ako na lapatan, Kaya nag-isip ako ng mga salitang sa iyoβy naglalarawan, Mula sa pagdabog ng iyong mga takong sa bawat paghakbang, na ang lakad ay tila maghahamon ng patayan.
Sa pagbungisngis at pagpikit ng iyong mga matang sinasabayan pa ng matinis na tawa kung pakikinggan, Sa katakawang sanhi ng paglobo ng kaniyang katawan, At sa ‘di maitatangging angking kagandahan, Lahat ng itoβy tanda ng busilak niyang katauhan.
Dito sa aking tula, halina at magbalik-tanaw, Alalahanin sandali ang mga nagdaang araw. Sa nakalipas na labing walong taon, Sabay nating balikan, sariwain ang kahapon.
Mula sa pagsasanay kumanta habang sa bentilador nakaharap, Hanggang sa matutuhan mo nang gumamit ng Pizap. Edited na selfie habang may salaming Hello Kitty. At ngayon nga’y umanggulo na rin sa Musical.ly kasabay ng mga kanta ni Skusta Clee.
Pati sa pagahatid saβyo ng daddy mo mula elem hanggang senior high school, At hanggang sa pagsesend mo sa akin ng pictures na humihithit ka na ng katol.
Ngayo’y papasok kang muli sa panibagong yugto, Na kung saan mas makikilala mo na ang tunay na mundo, Kaya bago tahakin ang landas tungo sa paglalakbay mo, Ay hinihiling ko sana na tayo ay maglaro.
Mga larong kinagisnan natin mula sa ating pagkabata. Simulan natin sa tagu-taguan, syempre ikaw ang taya; Ngunit kapag sumapit na ang dilim at wala ka nang makita, Tipong kinakain ka na ng takot at wala nang ligaya, Lakasan lamang ang loob at wag patitinag, Dahil kaming kaibigan mo ang laging magbibigay liwanag.
O kaya naman tayo ay maghabulan, Takbuhin at habulin ang mga pangarap na sa isipa’y ‘di maaabutan, Oo hingal at pagod ang iyong mararamdaman, Ngunit nariyan ang iyong pamilya at sila ang iyong kanlungan.
Pagkatapos, pag napagod, saka magtu-tumbang preso, Isiping mong ikaw ang magsisilbing latang nakatayo. Na kahit ilang ulit patumbahin ng pait, sakit, lungkot at pagsubok na ibabato ng sayo mundo, Ay ilang ulit ka ring tatayo dahil alam nating nariyan ang Diyos na aalalay sayo.
Ilan lang ‘to sa libangan natin nung mga bata pa tayo, Mga larong pampalipas oras ngunit binigyan tayo ng pagkatuto: Na ang buhay ay ‘di madali, madalas nakakapagod, nakakahingal, masakit sa tuhod, mapagbiro at mapaglaro. Ngunit saan ka man lumingon, kaming mga narito ngayon, ay parte ng iyong nagdaang labing pitong taon. At patuloy kang sasamang humakbang sa marami pang mga taong daraan. Kaya maligayang kaarawan, Nicole, maligayang pagdating sa bagong kabanata ng iyong buhay.
REJECTION. Isang salita. Isang salitang normal nalang sa iba. Isang salitang kayang sumira ng kumpiyansa. Isang salitang kayang pumatay ng damdamin ng isang sumisinta. Isang salitang magpapasuko sa taong lumalaban sa mapanglamong sistema. Isang salitang magreresulta sa pagkawala ng lakas ng loob upang humarap sa mga balakid at suliranin sa buhay.
Kahit anong gawin, hindi natin alam kung saan tayo lulugar dahil lahat ng tao ay may nasasabi. Patuloy ang pang-aalipusta, panghuhusga, panglalait, pagyurak, at pagsuka sa atin ng madla. Ano ba ang meron sa pagreject sa nagawa ng isang tao? Maaari bang mali lang ang kanyang ginawa? Puwede bang siya lang ay may pagkukulang? May diperensya ba sa kanyang hitsura, estado, at pag-iisip? O sadyang nasa kultura lang natin ang pagiging utak talangka na kahit iyong bali-baliktarin, ay maling-mali pa rin ang tama sa mata ng iba. ANO BA ANG DAPAT NATING GAWIN?
Base sa pananaliksik, ang mga uri ng rejection ay maaaring manggaling sa pamilya (familial rejection), pakikisalamuha (social rejection), sa relasyon at pag-ibig (romantic rejection).
Ngunit sa aking pananaw at sa aking mga naranasan sa buhay, narito ang ibaβt-ibang sanhi/paraan kung bakit/paano tayo narereject at kaunting payo kung paano ito mahahandle. At ito ay ang mga sumusunod:
Standards/Requirements
Ito yung inuna ko sa aking listahan dahil dito nasisilat ang karamihan at napakaraming nabibitter dito. Maging ako ay relate na relate.
Lahat ng mapupuntahan nating lugar at makakasalamuhang mga tao ay may tinatawag na STANDARDS o PAMANTAYAN. Sa paaralan, trabaho, grupo ng tao o magkakaibigan, at lalong lalo na sa social media. Maging ikaw ay nagseset din ng standards diba? Syempre kailangan mong gawin yung nasa pamantayan para makapasok o makalampas sa mga pagsusulit. Maging sa pag-ibig, hindi lang babae ang nagseset ng standards pati rin ang mga lalaki (sabihin mong hindi, hahambalusin kita). Tulad din sa isang grupo ng magkakaibigan na dapat pasok ka sa trip nila para maging βinβ ka sa kanila. At kapag paulit-ulit ka nang hindi nakapasok sa mga standards sa ibaβt ibang aspeto ay darating ka sa puntong bibigat yung pakiramdam mo dahil sa lungkot at kukwestyunin mo na yung sarili mo pati yung halaga mo.
Toxicity
Isa rin ito sa mga stigma na kinakaharap natin ngayon. Naranasan mo na bang tawaging may ADHD? Schizoid (Sana alam nila yung definition ng mga ito)? May saltik/sayad? Toxic at kanser? O ibaβt ibang bansag na pwede nilang itawag saβyo?
Kaya ko tinawag na toxicity dahil simple lang, TOXIC KA SA PANINGIN NILA. Without any particular reason to dislike or to hate you. Na kahit tanungin kung bakit ayaw nila saβyo ang sasabihin lang nila βAng kulit kasi niya.β o kaya βWeird kasi siya.β at ang pinakamatindi kong narinig ay βWala lang, ayoko lang talaga sa kanya.β Nakakainis lang na hindi ba natin alam yung impact sa tao na maramdamang inaayawan? Hindi ba puwedeng tignan ng mas malalim yung kalagayan mg tao without judgement and prejudice? Na baka mayroon palang pinagdadaanan yung tao na kapag sa atin nangyari yung pinagdadaanan niya baka βdi natin kayanin. Kung puro judgement and prejudice ang gagawin natin maaari itong magresulta sa;
Smart-shaming
Ano nga ba ang tinatawag na smart-shaming? At ano ang koneksyon nito sa rejection? Ito yung pagdeny sa isang intelligence ng isang tao. Yung tipong nakakapagrecite siya madalas o nakakaperfect sa exam madalas mong maririnig na βEh di wow! Siya na magaling!β o kaya βSiya na bida!β. Dahil nga sa pakiramdam na nauungusan o nahihigitan niya ang karamihan, ito ang defense-mechanism ng iba para maitago nila ang kanilang nararamdaman. Ito yung isa sa mga stigma na kinakaharap natin ngayon laloβt nasa modernong panahon tayo at nasa bansang Pilipinas tayo na kung saan karamihan ng tao ay mapanghusga na wala ng naging tama sa mga pangyayari. Walang katapusang pambabash, pangmamaliit at panlalait sa kapwa.
Pinagsama-sama ko na lang ang tatlong ito sa iisang portion dahil ito naman ang madalas nating nararanasang dahilan ng rejection kapag tayo ay papasok o nasa loob na ng sa isang relasyon. Pero hihimayin natin ito isa-isa. Intimidation ay isa sa mga dahilan na kung saan lumalabas ang matinding dominance ng isang lalaki o babae sa relasyon. Masyadong βunderβ o kaya outsmarted ka na ng karelasyon mo na umaabot na sa puntong nararamdaman mong wala ka ng halaga sa relasyon nyo na yun yung dapat mong maramdaman sa loob ng pagsasama niyo. Ang personality mismatch naman ay simple lang, hindi lang talaga nagjive ang personality nyo. Hindi siya mapili. Sadyang nagkataon lang na hindi sapat yung something in common na tinatawag sa inyong dalawa. Friendzone naman ang pinakamasakit sa lahat. Mas pinapahalagahan ng isang tao ang pagkakaibigan niyo kaysa pumasok sa relasyon. Napakarami nang nabiktima nitong friendzone na ito, kaya always guard your heart sa mga pangyayari.
Being You
OO IKAW! Ikaw mismo ang nagrereject sa sarili mo. Ikaw ang naghoholdback sa sarili mo para sa mga opportunities na bumubukas para saβyo. May ilang mga dahilan kung bakit ka nagkakaganyan:
Guilt/Past β Nang dahil sa mga pagkakamali mo nung una ay takot ka nang sumubok. Nasa ilalim ka nalang ng kahihiyan o guilt mo sa nakaraan kaya takot kang sumubok.
Fear β Maaari na ang mga resulta nito ay mga traumatic experience, o di kaya sa mga unrealistic expectations, lumaki sa striktong pamamaraan. Kahit ano pang dahilan ay takot kang sumubok at sa halip, playing safe ka na lang at takot kang magtake ng risk dahil may kinalatakutan ka.
Need of approval β Pinapayagan mo na ang mga expectations ng mga taong nakapaligid saβyo ang kumontrol sa buhay mo. Maaaring sa magulang, guro, at sa mga kaibigan mo. Yung takot ka lagi sa sasabihin ng iba kaya ka takot sumulong.
I donβt know all the keys to success, but one key to failure is trying to please everyone.
Rick Warren
Ano naman ang pwedeng maging resulta kapag nagpalamon ka sa rejection?
Kaya ko nasabi ang salitamg βnagpalamonβ dahil inaabsorb natin sa sarili natin ang rejection at may tendency tayong hindi magforward nalang. At ito ang ilang mga resulta:
Overthinking
Dumarating tayong lahat sa puntong ito na kahit alam natin sa sarili na nagawa natin ang lahat pero kulang pa rin. Laging kapos to the point na tatanungin mo sa sarili mo kung ano pa ang silbi mo sa mundong ito. Matindi ang overthinking, kaya nito pasabugin ang nasa loob mo at sirain ang tiwala sa sarili mo.
“Overthinking can blow your mind.”
Gaslighting
Ito ay form ng psychological manipulation na kung saan ang nagkakaroon ng seeds of doubt ang isang indibdwal o parte ng grupo na dumadating na sa punto na kukwestyunin na niya ang kanyang sariling persepsyon at katinuan (makikita sa larawan ang mga sintomas).
Depression
Ito na yung pinakamalalang maaaring maging resulta ng labis na pagpapalamon sa rejection. Yung sobrang kalungkutan na sa pakiramdam mo na wala ka nang makapitan, mapuntahan at magawa sa sarili mo kundi magmukmok sa isang tabi at gawin ang mga ‘di dapat na bagay gawa ng labis na kalungkutan. Ang depression ay ‘di birong kondisyon. Na sasabihin nalang ng iba na nasa isip mo lang ito. Kaya dapat lagi tayong aware sa paligid natin na kung may kaibigan o kamag-anak tayong nalulungkot ay dapat nating iparamdam na andiyan tayo para sa kanila para di agad ito lumala.
Paano ba mahahandle ang rejection?
Sa totoo lang ay hindi natin malalabanan ang rejection. Dahil kasama ito sa paglaki at kasama ito sa buhay natin. Kung wala kang nararanasang rejection sa buhay mo, aba baka meh problema ka. Dahil nga hindi puro pleasures ang matitikman natin dapat may hardship din. Narito ang ilang mga paraan kung paano mahahandle ang rejection. Ato ay ang mga sumusunod:
Always be YOU no matter what.
Tanggapin natin sa sarili natin na hindi lahat ng tao ay kaya nating iplease. Magkakaroon at magkakaroon tayo ng bashers at haters sa buhay natin. Maging ikaw sa sarili mo may inaayawan kang tao diba? Kasi nga taliwas yung pananaw o galaw niya sa interes mo. Hindi mo kailangang magpanggap para magustuhan ka ng mga tao. At kung magustuhan ka man ng mga tao dahil sa pagpapanggap mo, tandaan mong lalabas at lalabas pa rin ang tunay na kulay mo. At syempre hindi porke sinabi kong magpapakatotoo ka sa sarili mo ay hindi ka na mag-aadjust. Syempre dapat marunong ka ring umunawa.
Change your mindset and take it as a blessing.
Aminado tayo sa sarili natin na umay na umay na tayo sa mga rejections. Yung tipong naiinis ka na sa sarili mo kasi kahit anong gawin mo kapos pa rin, rejected ka pa rin. Bakit hindi natin subukang baguhin yung mindset natin? Kasi lahat ng nangyayari sa’yo ay depende sa isip mo kung paano mo siya tatanggapin. Kung puro rejections natatanggap mo, take it as a lesson. Baka kasi may pagkukulang ka rin. O kaya meron pang mas magandang opportunity para sa’yo. At baka kasi hindi binibigay sa atin kasi hindi pa natin time. Baka kasi kailangan pa natin mag-grow o maging mas matured kaya binibigyan pa tayo ng time para doon sa inaasam natin. Take it as positive outlook. HUWAG KANG NEGAβ¦
Trust the process and believe in God’s perfect timing
Kahit kailan ang buhay natin ay hindi magiging madali. Hindi siya biro pero sadya siyang mapaglaro. Learning is an unending process. Kahit pa pangit ang nangyayari sa buhay mo ngayon, nakakagawa ka ng paraan para tumayo at lumaban. At doon sa paraan na ‘yon ay natututo ka. At lagi mong ilalagak ang tiwala mo sa Dios. Kasi walang ibang makakatulong sa’yo kundi siya lang. Naiiyak ka sa hirap? Umiyak ka lang. Sa pagtahan mo’y lumaban ka ulit. At lagi ka lang maniwala na ibibigay niya ang lahat-sayo sa magandang pagkakataon. Wala na akong masasabing iba kundi lumaban, magpakitibay, maniwala ka lang sa magagawa ng Dios. At ako na ang nagsasabi sa’yo na pagdating ng panahon tatawanan mo na lang yung mga naging problema mo nung nakaraan na di mo aakalaing kinaya mo siya.
Grace is not the absence of God’s high expectations. Instead, grace is the presence of God’s power.
‘Di ko alam kung paano magsisimula,
Kung saang parte ba ako maghahanda.
Doon ba sa pagkakasunod-sunod ng istorya?
O yung dahilan na ikaw ang paksa ng aking istorya?
Ano nga ba talaga ang aking pinaghahandaan?
Puro katanungan ang tumatakbo sa isipan,
Patuloy na naghahanap ng kasagutan.
Na kung paano kung ganito?
Paano kung ganyan?
Kung lalapit ba ako sa’yo ay ‘di mo
ako lalayuan?
Kung kakapit ba ako sa’yo ng mahigpit
ay ‘di mo ako bibitiwan?
At sa mga pagsubok ay hawak kamay
tayong lalaban?
Wala akong narinig na tugon mula sa’yo,
Isang ngiti at yakap lamang na mahigpit
ang binigay mo.
Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan
sa mga sandaling ito
Nang bigla akong magising sa pagkakatulog,
Sa kama ay biglang bumangon
At akin ngang napagtanto
WALA NGA PALANG GANON.
Hinanda ang sarili sa pag-utang
ng bawat kahapon,
Upang hamakin ang lahat makasama
ka lang sa bawat pagkakataon.
Sa balon ng pag-ibig tuluyan ngang nahulog,
At ngayo’y pinipilit na umahon,
Binubuo ang sarili upang makabangon,
Dahil ako’y nagpalamon lamang
sa aking imahinasyon.
Gamit ang papel at tinta,
Heto pa rin ako at gagawa ng tula,
Ngunit hindi na ikaw ang paksa.
Masakit man ngunit ganito talaga,
Kapag sa isang tao’y wala kang halaga,
Yung akala mong makakasama sa pagtanda,
Makakasalo mo sa problema at pagtawa,
Makakasama sa lungkot at ligaya,
Lahat ng ito’y nasa isip ko noong ako’y umaasa pa.
Buhay nga naman ay di biro, Ngunit sadya talagang mapaglaro, Umaasang lahat ng pagkakataon ay umayon, Ngunit hinding-hindi mangyayari iyon. Dahil WALANG GANON.
(Para ito kay Badong na labis na nasaktan sa mga pangyayari).
Wag na maging bitter. Tama na yung mga sandaling ninamnam mo yung sakit. Tulad nga ng mga pinayo ko sa’yo nung nakaraan na “If someone dumped you, NEVER CHASE JUST REPLACE.