Walang Ganon.

‘Di ko alam kung paano magsisimula,
Kung saang parte ba ako maghahanda.
Doon ba sa pagkakasunod-sunod ng istorya?
O yung dahilan na ikaw ang paksa ng aking istorya?
Ano nga ba talaga ang aking pinaghahandaan?

Puro katanungan ang tumatakbo sa isipan,
Patuloy na naghahanap ng kasagutan.
Na kung paano kung ganito?
Paano kung ganyan?
Kung lalapit ba ako sa’yo ay ‘di mo
ako lalayuan?
Kung kakapit ba ako sa’yo ng mahigpit
ay ‘di mo ako bibitiwan?
At sa mga pagsubok ay hawak kamay
tayong lalaban?

Wala akong narinig na tugon mula sa’yo,
Isang ngiti at yakap lamang na mahigpit
ang binigay mo.
Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan
sa mga sandaling ito
Nang bigla akong magising sa pagkakatulog,
Sa kama ay biglang bumangon
At akin ngang napagtanto
WALA NGA PALANG GANON.

Hinanda ang sarili sa pag-utang
ng bawat kahapon,
Upang hamakin ang lahat makasama
ka lang sa bawat pagkakataon.
Sa balon ng pag-ibig tuluyan ngang nahulog,
At ngayo’y pinipilit na umahon,
Binubuo ang sarili upang makabangon,
Dahil ako’y nagpalamon lamang
sa aking imahinasyon.

Gamit ang papel at tinta,
Heto pa rin ako at gagawa ng tula,
Ngunit hindi na ikaw ang paksa.
Masakit man ngunit ganito talaga,
Kapag sa isang tao’y wala kang halaga,
Yung akala mong makakasama sa pagtanda,
Makakasalo mo sa problema at pagtawa,
Makakasama sa lungkot at ligaya,
Lahat ng ito’y nasa isip ko noong ako’y umaasa pa.

Buhay nga naman ay di biro,
Ngunit sadya talagang mapaglaro,
Umaasang lahat ng pagkakataon ay umayon,
Ngunit hinding-hindi mangyayari iyon.
Dahil WALANG GANON.

(Para ito kay Badong na labis na nasaktan sa mga pangyayari).

Wag na maging bitter. Tama na yung mga sandaling ninamnam mo yung sakit. Tulad nga ng mga pinayo ko sa’yo nung nakaraan na “If someone dumped you, NEVER CHASE JUST REPLACE.

Leave a comment