Rumaragasa ang bugso ng aking nadarama,
Sa paglikha ng mga katagang gamit ang simili at metapora,
Narito ang aking tulang isasambitla,
Para ito sa mga taong lumalaban sa sistemang mapanglamon,
Sa mga patuloy na lumalaban sa mga dagok at hamon,
Paano nga ba sa toxic na buhay kami’y makakaahon?Eksklusibo, eksplosibo, mga pangyayaring nagbabaga’t umaatikabo,
Sa lipuna’y umalingawngaw na parang wangwang,
Mga walang makain, walang maihain sa hapag kundi pagpag,
Bunga ng mga nakaupong bituka’y halang at walang habag.Isyung karumal-dumal gawa ng Ampatuan,
Tokhang na ang mga tumutumba daw ay nanlaban,
Mga batang inosente na biktima ng dengvaxia,
Mga pamilyang naulila’y sinisigaw ang salitang hustisya.Jinbei na jinbei akes sa mga problema ditempang sa sangkatauhan,
Kayraming nawawalan ng trabaho,
Dahilan nito ay kanilang pagka-endo,
At pagkawalay sa pamilya’y isasakripisyo.Eto at pipiliing maging OFW,
Magpapaka-alila sa lugar na kung saan sila ang dayo,
Magtitiis kahit paulit-ulit na minamaltrato,
Para may maiuwing salapi at tsokolate pagbalik sa kanilang barrioRatsada dito ratsada doon,
Sa bawat pagdapa’y laging may pag-ahon,
Imba nga minsan ang ating peg
Patuloy na humihinga kahit sinasakal na tayo ng kahirapan sa leeg.Ibahin nyo ang taga-Filipinas
Iba ang ating tibay at tatag,
Sa kabila ng problema’y makukuha pang magselfie na may hashtag.
Gagawin ang lahat maging trending o tanyag.Eksena man natin sa buhay ay iba-iba,
Isipan pa rin natin ay iisa,
Sa pamamagitan ng pagbibiro at pagtawa
Nakukuha nating malampasan ang mga problema.Tibay at tatag oo ito sa atin ay nakatatak,
Sa pamamagitan ng mga meme o
sa mga uso at viral,
Dito tayo napapahalakhak at sa kabila ng suliranin,
Kasiyahan pa rin ang sa atin ay umiiral.Tampok sa aking tula,
Mga salita na laman ng balita,
Sa mga isyu at problema ay binuksan ang ating mga mata,
At dito tayo minulat kung paano piliin ang mga mali sa tama.Eskapo sa realidad,
Lawak ng imahinasyon ang abilidad,
Wika at salita ang armas at arsenal,
Ito ang paraan ng paglaban naming mga Milenyal.-1003-1119
Ito ay isang proyekto na pinapagawa sa amin sa isang asignaturang Dalumat sa Filipino sa New Era University na kung saan ay gagawa kami ng tula na ang bawat berso ng aming tula ay magsisimula sa bawat letra ng aming pangalan (on bold letter). At ipapasok namin sa aming tula ang mga napiling kalahok o nanalo sa Sawikaan ng Taon (at mga Word of the Year sa US) na Inilulunsad ng UP at FIT (italicized).
