MAYE (Elsa, Moana, at Adarna)

MAYE (Elsa, Moana, at Adarna)

Isang tula para sa dalagang may katangkaran
Na ang lakad tila animo’y maghahamon ng suntukan,
Mala-siopao ang mukha niya sa kaniyang katabaan,
Boses lalaki kung tumawa at magsalita kung iyong pakikinggan,
Ngunit kapag siya’y iyo nang tinitigan,
Di mo maitatanggi ang angkin nyang kagandahan.
Gusto mo siyang makilala? Jan Marielle Centeno Martinez ang kaniyang pangalan.

Lalo kang mapapahanga sa angkin nyang talento,
Marami siyang kayang tugtuging instrumento.
Ngunit ang aking pinakagusto ay ng pagtugtog nya ng organ sa koro.
Hindi ko pa man nakikita ngunit ako’y humahangang lubos,
Dahil kaniyang naiaalay ang kanyang talento sa Panginoong Dios.

Elsa, Moana, at Adarna,
Hindi ko alam kung bakit ito
ang naging pamagat ng tula.

Galing sila sa mga sikat na istorya,
Sa lamig ng boses ni Elsa,
Sa kaygandang himig ni Moana na
umaawit sa ilalim ng araw at mga tala,
At sa himig ng Ibong Adarnang humahalina.
Kapag iyon ay iyong pinagsama-sama,
Boses ng pag-awit ni Jan ang malilikha.
Sana ika’y maniwala dahil wala itong halong eclavu at chorva.

Hiling ko sa iyong kaarawan,
Sa mga tagumpay, kasiyahan, at kalungkutan,
Ang Dios ay huwag kakalimutang tawagan,
Dahil walang imposible sa kanyang kapangyarihan.
Magulang ay mahalin mo at wag sasaktan,
Dahil sa mapaglarong buhay na pagod ang iyong mararamdaman,
Nariyan parati sila para sa iyong kanlungan.
At ikinalulungkot kong di hamak,
Na tayo’y di makakapagpatumba ng mga bote ng alak,
Ngunit narito kaming mga kaibigan mong kasama mo sa mga paglamon at paghalakhak.

7-28-19

Happy HBD Jan! We wish you all the best. Wag ka na sana masaktan pa hahahaha. Nandito kami lagi para sa’yo. We wish to hear more songs from you. Mahal ka ng Unli Fam!

Leave a comment