Wala nang intro intro!
Nicole, happy birthday sa’yo!
Salamat sa pag-imbita dito sa isang okasyong magarbo,
Na puno ng kandila, rosas, at mga regalo.
Kasama ang pamilya, mga kaibigan,
at mga espesyal na taong bahagi ng iyong buhay,
Kami ay masayang-masaya, dahil hinog na ang mangga
At sa wakas ay legal na
ang kutsilyong lagi niyang dala-dala.
Sa tulang itong ang pamagat at simula’y hirap ako na lapatan,
Kaya nag-isip ako ng mga salitang sa iyo’y naglalarawan,
Mula sa pagdabog ng iyong mga takong sa bawat paghakbang,
na ang lakad ay tila maghahamon ng patayan.
Sa pagbungisngis at pagpikit ng iyong mga matang
sinasabayan pa ng matinis na tawa kung pakikinggan,
Sa katakawang sanhi ng paglobo ng kaniyang katawan,
At sa ‘di maitatangging angking kagandahan,
Lahat ng ito’y tanda ng busilak niyang katauhan.
Dito sa aking tula, halina at magbalik-tanaw,
Alalahanin sandali ang mga nagdaang araw.
Sa nakalipas na labing walong taon,
Sabay nating balikan, sariwain ang kahapon.
Mula sa pagsasanay kumanta habang sa bentilador nakaharap,
Hanggang sa matutuhan mo nang gumamit ng Pizap.
Edited na selfie habang may salaming Hello Kitty.
At ngayon nga’y umanggulo na rin sa Musical.ly kasabay ng mga kanta ni Skusta Clee.
Pati sa pagahatid sa’yo ng daddy mo
mula elem hanggang senior high school,
At hanggang sa pagsesend mo sa akin ng pictures
na humihithit ka na ng katol.
Ngayo’y papasok kang muli sa panibagong yugto,
Na kung saan mas makikilala mo na ang tunay na mundo,
Kaya bago tahakin ang landas tungo sa paglalakbay mo,
Ay hinihiling ko sana na tayo ay maglaro.
Mga larong kinagisnan natin mula sa ating pagkabata.
Simulan natin sa tagu-taguan, syempre ikaw ang taya;
Ngunit kapag sumapit na ang dilim at wala ka nang makita,
Tipong kinakain ka na ng takot at wala nang ligaya,
Lakasan lamang ang loob at wag patitinag,
Dahil kaming kaibigan mo ang laging magbibigay liwanag.
O kaya naman tayo ay maghabulan,
Takbuhin at habulin ang mga pangarap na sa isipa’y ‘di maaabutan,
Oo hingal at pagod ang iyong mararamdaman,
Ngunit nariyan ang iyong pamilya at sila ang iyong kanlungan.
Pagkatapos, pag napagod, saka magtu-tumbang preso,
Isiping mong ikaw ang magsisilbing latang nakatayo.
Na kahit ilang ulit patumbahin
ng pait, sakit, lungkot at pagsubok
na ibabato ng sayo mundo,
Ay ilang ulit ka ring tatayo dahil alam nating nariyan ang Diyos na aalalay sayo.
Ilan lang ‘to sa libangan natin nung mga bata pa tayo,
Mga larong pampalipas oras ngunit binigyan tayo ng pagkatuto:
Na ang buhay ay ‘di madali,
madalas nakakapagod, nakakahingal,
masakit sa tuhod, mapagbiro at mapaglaro.
Ngunit saan ka man lumingon,
kaming mga narito ngayon,
ay parte ng iyong nagdaang labing pitong taon.
At patuloy kang sasamang humakbang
sa marami pang mga taong daraan.
Kaya maligayang kaarawan, Nicole, maligayang pagdating sa bagong kabanata ng iyong buhay.
Iloveyou anak. 😊
-Tatay Rei

