Rejection: Biyaya o Sumpa?

REJECTION. Isang salita. Isang salitang normal nalang sa iba. Isang salitang kayang sumira ng kumpiyansa. Isang salitang kayang pumatay ng damdamin ng isang sumisinta. Isang salitang magpapasuko sa taong lumalaban sa mapanglamong sistema. Isang salitang magreresulta sa pagkawala ng lakas ng loob upang humarap sa mga balakid at suliranin sa buhay.

Kahit anong gawin, hindi natin alam kung saan tayo lulugar dahil lahat ng tao ay may nasasabi. Patuloy ang pang-aalipusta, panghuhusga, panglalait, pagyurak, at pagsuka sa atin ng madla. Ano ba ang meron sa pagreject sa nagawa ng isang tao? Maaari bang mali lang ang kanyang ginawa? Puwede bang siya lang ay may pagkukulang? May diperensya ba sa kanyang hitsura, estado, at pag-iisip? O sadyang nasa kultura lang natin ang pagiging utak talangka na kahit iyong bali-baliktarin, ay maling-mali pa rin ang tama sa mata ng iba. ANO BA ANG DAPAT NATING GAWIN?

Base sa pananaliksik, ang mga uri ng rejection ay maaaring manggaling sa pamilya (familial rejection), pakikisalamuha (social rejection), sa relasyon at pag-ibig (romantic rejection).

Ngunit sa aking pananaw at sa aking mga naranasan sa buhay, narito ang iba’t-ibang sanhi/paraan kung bakit/paano tayo narereject at kaunting payo kung paano ito mahahandle. At ito ay ang mga sumusunod:

  • Standards/Requirements

Ito yung inuna ko sa aking listahan dahil dito nasisilat ang karamihan at napakaraming nabibitter dito. Maging ako ay relate na relate.

Lahat ng mapupuntahan nating lugar at makakasalamuhang mga tao ay may tinatawag na STANDARDS o PAMANTAYAN. Sa paaralan, trabaho, grupo ng tao o magkakaibigan, at lalong lalo na sa social media. Maging ikaw ay nagseset din ng standards diba? Syempre kailangan mong gawin yung nasa pamantayan para makapasok o makalampas sa mga pagsusulit. Maging sa pag-ibig, hindi lang babae ang nagseset ng standards pati rin ang mga lalaki (sabihin mong hindi, hahambalusin kita). Tulad din sa isang grupo ng magkakaibigan na dapat pasok ka sa trip nila para maging “in” ka sa kanila. At kapag paulit-ulit ka nang hindi nakapasok sa mga standards sa iba’t ibang aspeto ay darating ka sa puntong bibigat yung pakiramdam mo dahil sa lungkot at kukwestyunin mo na yung sarili mo pati yung halaga mo.

  • Toxicity

Isa rin ito sa mga stigma na kinakaharap natin ngayon. Naranasan mo na bang tawaging may ADHD? Schizoid (Sana alam nila yung definition ng mga ito)? May saltik/sayad? Toxic at kanser? O iba’t ibang bansag na pwede nilang itawag sa’yo?

Kaya ko tinawag na toxicity dahil simple lang, TOXIC KA SA PANINGIN NILA. Without any particular reason to dislike or to hate you. Na kahit tanungin kung bakit ayaw nila sa’yo ang sasabihin lang nila “Ang kulit kasi niya.” o kaya “Weird kasi siya.” at ang pinakamatindi kong narinig ay “Wala lang, ayoko lang talaga sa kanya.” Nakakainis lang na hindi ba natin alam yung impact sa tao na maramdamang inaayawan? Hindi ba puwedeng tignan ng mas malalim yung kalagayan mg tao without judgement and prejudice? Na baka mayroon palang pinagdadaanan yung tao na kapag sa atin nangyari yung pinagdadaanan niya baka ‘di natin kayanin. Kung puro judgement and prejudice ang gagawin natin maaari itong magresulta sa;

  • Smart-shaming

Ano nga ba ang tinatawag na smart-shaming? At ano ang koneksyon nito sa rejection? Ito yung pagdeny sa isang intelligence ng isang tao. Yung tipong nakakapagrecite siya madalas o nakakaperfect sa exam madalas mong maririnig na “Eh di wow! Siya na magaling!” o kaya “Siya na bida!”. Dahil nga sa pakiramdam na nauungusan o nahihigitan niya ang karamihan, ito ang defense-mechanism ng iba para maitago nila ang kanilang nararamdaman. Ito yung isa sa mga stigma na kinakaharap natin ngayon lalo’t nasa modernong panahon tayo at nasa bansang Pilipinas tayo na kung saan karamihan ng tao ay mapanghusga na wala ng naging tama sa mga pangyayari. Walang katapusang pambabash, pangmamaliit at panlalait sa kapwa.

  • Intimidation, Personality Mismatch, & ‘FRIENDZONE’

Pinagsama-sama ko na lang ang tatlong ito sa iisang portion dahil ito naman ang madalas nating nararanasang dahilan ng rejection kapag tayo ay papasok o nasa loob na ng sa isang relasyon. Pero hihimayin natin ito isa-isa. Intimidation ay isa sa mga dahilan na kung saan lumalabas ang matinding dominance ng isang lalaki o babae sa relasyon. Masyadong “under” o kaya outsmarted ka na ng karelasyon mo na umaabot na sa puntong nararamdaman mong wala ka ng halaga sa relasyon nyo na yun yung dapat mong maramdaman sa loob ng pagsasama niyo. Ang personality mismatch naman ay simple lang, hindi lang talaga nagjive ang personality nyo. Hindi siya mapili. Sadyang nagkataon lang na hindi sapat yung something in common na tinatawag sa inyong dalawa. Friendzone naman ang pinakamasakit sa lahat. Mas pinapahalagahan ng isang tao ang pagkakaibigan niyo kaysa pumasok sa relasyon. Napakarami nang nabiktima nitong friendzone na ito, kaya always guard your heart sa mga pangyayari.

  • Being You

OO IKAW! Ikaw mismo ang nagrereject sa sarili mo. Ikaw ang naghoholdback sa sarili mo para sa mga opportunities na bumubukas para sa’yo. May ilang mga dahilan kung bakit ka nagkakaganyan:

Guilt/Past – Nang dahil sa mga pagkakamali mo nung una ay takot ka nang sumubok. Nasa ilalim ka nalang ng kahihiyan o guilt mo sa nakaraan kaya takot kang sumubok.

Fear – Maaari na ang mga resulta nito ay mga traumatic experience, o di kaya sa mga unrealistic expectations, lumaki sa striktong pamamaraan. Kahit ano pang dahilan ay takot kang sumubok at sa halip, playing safe ka na lang at takot kang magtake ng risk dahil may kinalatakutan ka.

Need of approval – Pinapayagan mo na ang mga expectations ng mga taong nakapaligid sa’yo ang kumontrol sa buhay mo. Maaaring sa magulang, guro, at sa mga kaibigan mo. Yung takot ka lagi sa sasabihin ng iba kaya ka takot sumulong.

I don’t know all the keys to success, but one key to failure is trying to please everyone.

Rick Warren

Ano naman ang pwedeng maging resulta kapag nagpalamon ka sa rejection?

Kaya ko nasabi ang salitamg “nagpalamon” dahil inaabsorb natin sa sarili natin ang rejection at may tendency tayong hindi magforward nalang. At ito ang ilang mga resulta:

Overthinking

Dumarating tayong lahat sa puntong ito na kahit alam natin sa sarili na nagawa natin ang lahat pero kulang pa rin. Laging kapos to the point na tatanungin mo sa sarili mo kung ano pa ang silbi mo sa mundong ito. Matindi ang overthinking, kaya nito pasabugin ang nasa loob mo at sirain ang tiwala sa sarili mo.

“Overthinking can blow your mind.”

Gaslighting

Ito ay form ng psychological manipulation na kung saan ang nagkakaroon ng seeds of doubt ang isang indibdwal o parte ng grupo na dumadating na sa punto na kukwestyunin na niya ang kanyang sariling persepsyon at katinuan (makikita sa larawan ang mga sintomas).

Depression

Ito na yung pinakamalalang maaaring maging resulta ng labis na pagpapalamon sa rejection. Yung sobrang kalungkutan na sa pakiramdam mo na wala ka nang makapitan, mapuntahan at magawa sa sarili mo kundi magmukmok sa isang tabi at gawin ang mga ‘di dapat na bagay gawa ng labis na kalungkutan. Ang depression ay ‘di birong kondisyon. Na sasabihin nalang ng iba na nasa isip mo lang ito. Kaya dapat lagi tayong aware sa paligid natin na kung may kaibigan o kamag-anak tayong nalulungkot ay dapat nating iparamdam na andiyan tayo para sa kanila para di agad ito lumala.

Paano ba mahahandle ang rejection?

Sa totoo lang ay hindi natin malalabanan ang rejection. Dahil kasama ito sa paglaki at kasama ito sa buhay natin. Kung wala kang nararanasang rejection sa buhay mo, aba baka meh problema ka. Dahil nga hindi puro pleasures ang matitikman natin dapat may hardship din. Narito ang ilang mga paraan kung paano mahahandle ang rejection. Ato ay ang mga sumusunod:

  • Always be YOU no matter what.

Tanggapin natin sa sarili natin na hindi lahat ng tao ay kaya nating iplease. Magkakaroon at magkakaroon tayo ng bashers at haters sa buhay natin. Maging ikaw sa sarili mo may inaayawan kang tao diba? Kasi nga taliwas yung pananaw o galaw niya sa interes mo. Hindi mo kailangang magpanggap para magustuhan ka ng mga tao. At kung magustuhan ka man ng mga tao dahil sa pagpapanggap mo, tandaan mong lalabas at lalabas pa rin ang tunay na kulay mo. At syempre hindi porke sinabi kong magpapakatotoo ka sa sarili mo ay hindi ka na mag-aadjust. Syempre dapat marunong ka ring umunawa.

  • Change your mindset and take it as a blessing.

Aminado tayo sa sarili natin na umay na umay na tayo sa mga rejections. Yung tipong naiinis ka na sa sarili mo kasi kahit anong gawin mo kapos pa rin, rejected ka pa rin. Bakit hindi natin subukang baguhin yung mindset natin? Kasi lahat ng nangyayari sa’yo ay depende sa isip mo kung paano mo siya tatanggapin. Kung puro rejections natatanggap mo, take it as a lesson. Baka kasi may pagkukulang ka rin. O kaya meron pang mas magandang opportunity para sa’yo. At baka kasi hindi binibigay sa atin kasi hindi pa natin time. Baka kasi kailangan pa natin mag-grow o maging mas matured kaya binibigyan pa tayo ng time para doon sa inaasam natin. Take it as positive outlook. HUWAG KANG NEGA…

  • Trust the process and believe in God’s perfect timing

Kahit kailan ang buhay natin ay hindi magiging madali. Hindi siya biro pero sadya siyang mapaglaro. Learning is an unending process. Kahit pa pangit ang nangyayari sa buhay mo ngayon, nakakagawa ka ng paraan para tumayo at lumaban. At doon sa paraan na ‘yon ay natututo ka. At lagi mong ilalagak ang tiwala mo sa Dios. Kasi walang ibang makakatulong sa’yo kundi siya lang. Naiiyak ka sa hirap? Umiyak ka lang. Sa pagtahan mo’y lumaban ka ulit. At lagi ka lang maniwala na ibibigay niya ang lahat-sayo sa magandang pagkakataon. Wala na akong masasabing iba kundi lumaban, magpakitibay, maniwala ka lang sa magagawa ng Dios. At ako na ang nagsasabi sa’yo na pagdating ng panahon tatawanan mo na lang yung mga naging problema mo nung nakaraan na di mo aakalaing kinaya mo siya.

Grace is not the absence of God’s high expectations. Instead, grace is the presence of God’s power.

Anonymous

Leave a comment